"Paula! Paula!" Haaaaayyyyy, umaga pa lang, naririnig ko na ang tawag ng stepmother ko sa pangalan ko. Panigurado, may iuutos na naman. Nakakainis lang, kahit kaya naman niyang gawin, sa iba pa ipapagawa. Naistorbo tuloy ang tulog ko.
Ano po yun? tanong ko sa kanya.
"Ikaw na muna magtapos ntiong mga labahin, sasaglit lang ako kina Gina."
"Bakit naman, magmamajong na naman kayo? sana naman tinapos niyo man lang po muna to, ang dami ko pang lalakaring papeles para sa inaaplyan kong trabaho e." balak ko na kasing umalis na sa trabaho ko .
"Wala akong pakialam, ang importante, pagbalik ko, malinis na lahat yan, sige, mauuna na ako "
At umalis na nga siya. Nakakainis naman, feeling dalaga talaga siya. Simula nung namatay si dad, nawalan na rin siya ng pakialam sa amin ni Aria. Akala ko pa naman magkakaroon na ulit kami ng mother figure sa katauhan niya pero may expiration pala.
"Ate!" Narinig kong tawag ni Aria sakin. Dalawa lang kaming magkapatid. Noon, sunod lahat ng luho namin. Isang sabi lang namin kay dad, ibibigay niya samin. Proud akong sabihin na mayaman talaga kami. Dahil sa multi-level marketing, umsenso ang buhay naming tatlo. Bata pa lang kaming magkapatid nang mamatay si mommy kaya naman si dad na ang nagpalaki sa amin. Ayaw niyang maramdaman naming may pagkukulang sya sa amin kaya ayun, spoiled kami sa kanya. But that was before. Malayo na sa realidad ng buhay namin ngayon. Hanggang ngayon, lihim pa rin sa kanila ang trabaho ko.
O, bunso, bakit?
Ate, pambayad ko ng tuition. Hindi raw makakakuha ng test yung di pa bayad e.
Naku bunso, ayaw mo nun, di mo na kelangang magreview, petiks nalang maghapon?
Ate naman, seryoso kaya ako.
Hayy, sige, wag ka mag-alala. Syempre gagawan ng paraan ni Ate yan. Pagkatapos ko maglaba dito, aalis agad ako para kumuha ng mga requirements para makapag-apply agad ako. Sige na mag-ayos ka na, baka ma-late ka pa.
Sige ate! The best ka talaga.
Di ko na alam gagawin ko. Nakakastress naman o. Kung nandito lang sana si dad edi sana di ako mamomroblema. Sayang, graduate na sana ako ngayong year sa college kaso first year palang tumigil na ako. Wala ng magpapaaral sa akin e. Priority ko muna makagraduate si Aria ng highschool. Isang taon nalang naman e.
Pagkatapos ng mga gawain ko, pumila na ako sa NBI para kumuha ng clearance. After magbawas ng mga empleyado sa dati kong trabaho, halos anim na buwan rin akong natengga sa bahay. Halos lahat ng mga gamit ko ay naibenta ko na para may panggastos sa araw-araw lalo na sa pag-aaral ni Aria. Isa pang problema yung madrasta naming hilaw. Wala ng ginawa kundi magsugal. Bat ba kasi siya pinatulan ni Dad e halata namang pera lang habol niya sa kanya e.
Pagkatapos ng ilang oras na papila, nakuha ko na din yung papeles.
"Ui PAula!"
"Irish! bruha ka kamusta na? matagal na tayong di nagkikita a, mukhang asesado ka na a, di ka na nagpapakita sa hub e"
"Medyo teh, nakabingwit ng mayamang papa e! ayun, bakasyon grande ang peg ko"
"Buti ka pa, e ako kaya? kelan makakahon ulit."
"Ano ka ba, ang daming isda sa dagat o! Ganito, gusto mo ipakilala kita sa barkada ng boylet ko ngayon? balita ko galante yun at madali pang kausap. Ano, gusto mo?"
"Ahm si-sige, pero gusto ko sana last na to. Pagkatapos, aalis na ko sa racket na to, maghahanap na ako ng ibang trabaho, "
"sige, ikaw bahala, kita nalang tayo sa hub same time. bye sissy."
"sige, salamat a."
I cant believe it. May racket na ako, matapos ko lang talaga yung kliyente na yun, magbabagong buhay na ako. Iisipin ko nalang na para to kay Aria.
=======================================================================
Hey, man! I already found a date for you. tonight Already arranged by Irish. Told yah, my girl's quite a catch. See you there.
Pagkatapos ng tawag, umalis na ako sa gym. Kelangan ko pang mag-ayos para di naman ako mapahiya sa kanila. Im driving my way to the hb as they call it. It really feels great driving at 100kph with my Porsche pero tuwing late night ko lang to nagagawa, pag wala ng traffic.
Pagkarating ko sa hub, marami ng tao pero nakita ko naman agad sina Irish at Ian with an unfamiliar girl beside them. Siguro sya na yung ipapakilala sakin.
Pagkalabas ko ng kotse, nilapitan ko na sila.
Hey pare, Hi Rish kanina pa kayo dito? pagtatanong ko kay Ian.
Di naman, halos magkasunod nga lang dating natin e. Btw eto nga pala si Paula" pagpapakilala ni Irish sa kasama niyang babae.
Mukhang mahinhin pero may sinasabi ang katawan. Haha.
Im Greg. Nice meeting you" at hinalikan ko siya sa pisngi.
Tara, makiparty muna tayo sa loob bao tayo magsolo.
Habang nasa hub, pansin kong di mapakali si Paula. Pero nabanggit naman sakin ni Irish na matagal na raw sya rumaracket dito. Lumapit muna ako sa counter at nag-order ng 2gin and tonic. Automatic naman na nilagyan ng bartender ng kapsula. Ecstasy. Medyo matagal na rin akong di nakakagamit a.
Papalapit na ako sa pwesto ni Paula at ibinigay sa kanya ang drinks. Di naman sya tumanggi at uminom nalang.
Hey, are you enjoying the party? Seems like you're irritatted huh." tanong kko.
"No, gusto ko lang e umalis na tayo para makauwi agad ako ng maaga."sagot ni Paula
"Okay sige, ubusin muna natin tong drinks at aalis na tayo.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Paglabas namin ng hub, tumigil muna ako at tiningnan ko muna ang buong lugar. Kahit illegal ang lugar na ito, hindi naman maipatigil dahil mga anak ng mafia group ang may hawak dito. Pangako ko sa sarili ko na pagkatapos ng gabing to, hinding-hindi na ako babalik sa lugar na ito.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Greg sa kotse nya. In fairness, gwapo at malaki ang katawan. Ayos na rin kung sya ang magiging last client ko.
Ui Paula, paula...
Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. "Ah ano na yung sinasabi mo?"
Sabi ko bakit mo to ginagawa?" Bakit ka pumapayag?"
Ah, last na nga to e. kelangan o lang talaga ng pera ngayon. Kapit na naman sa patalim."
"e ikaw, bakit ka ganyan? kelan ka naman nagsimulang maging ganyan? ang lakas mo maka-Christian Grey a, dont tell me may playroom ka rin?
"Yeah you're right. Actually that's our destination pero nasa Laguna pa yung resthouse ko kaya medyo bilisan ko nalang magdrive. Kapit ka a. Former drag-racer kaya tong kasama mo. Gwapo pa" sabay kindat ko sa kanya. She looks intimidated. Haha.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Since nandito pa kami sa Makati, binilisan ko na pagmamaneho. Ala-una na rin ng madaling araw kaya walang traffic. 80kph is not really exciting kaya itinodo ko na sa 100kph. Nakita kong napakapit ng mahigpit si Paula sa seatbelt na nakakabit sa kanya.
"Are you ok?"
"Do I look okay? Nakakatakot yang driving skills mo a, pwede paki-slow down a bit."
"Diba sabi mo, kelangan mo rin makauwi agad after natin kaya nga nagmamadali na rin ako para makarating na agad tayo e"
"Bahala ka nga, pag tayo naaksidente, lagot ka talaga sakin"
"I told you, Im a drag racer before, sanay ako sa mga ganito, trust me."
Di pa ako nakuntento at medyo natuwa ako sa reaksyon ni Paula kanina kaya pinipilit ko ng i-120kph. Habang nagddrive aysinabayan ko nalang ng music para mas masaya ang ambiance.
"Treasure, that is what you are. Youre my golden star.. haha C'mon Paula dont be a KJ, sing with me. Alam mo naman siguro yung kanta diba."
"You are my treasure, you are my treasure, you are my treasure, yeah you you you you are, you are my treasure, oh, oh oohhh" todo kanta kaming dalawa sa loob.
Nakakatuwa talaga siya, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
______________________________________________________________________________
Aba, hanep yung driver nun a, di pinansin ang pagsita ko.
Dali-dali akong sumakay sa patrol car namin para habulin yung Porsche. Itinawag ko na rin sa iba kong kasamahan para may back up kung sakali.
Overspeeding. E ang linaw naman ng sign na 80kph lang ang limit sa lugar na to.
Medyo malayo na rin yung kotse nila kaya humarurot na rin ako para maabutan sila.
================================================================================
Greg, ui greg, parang may sumusunod satin a. Tingnan mo oh!"
Oh, police car, siguro overspeeding na naman to. Great, may kalar na tayo Paula.
Come and get us" sigaw ko sa kanila.
"Anong sinabi mo? Nahuli ka na rin ba sa overspeeding dati? Itigil mo na muna yung kotse Greg para makausap natin sila.
"Anong sinasabi mo Paula, kita mo namang high tayo ngayon oh. Gusto mo bang mahuli nila tayo at magkapatong-patong yung ikakaso satin! Will you please shut up. Sanay na ako sa ganito, matattakasan natin sila, okay kaya stop nagging over at me.
"Greg" pagmamakaawa ni Paula
"Stop, okay. I can handle this."
Tuloy pa rin sa paghabol ang mga pulis. Di ko pa rin binabagalan ang takbo. Nakita ko namang takot na takot na si Paula pero dahil na rin sa epekto ng drugs, wala na akong pakialam. My goal is to escape from those guys.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"Hon, uwi na tayo. Inaantok na ako e. Tama na yang alak. Please. I want to go home na."
"Ano ba Katie, ngayon pa nga lang ako nag-eenjoy,papauwiin mo na ako.Kung gusto mo mauna ka na umuwi, o susi ng kotse oh."
"Darren, please naman, iuwi mo muna ako sa amin, kung gusto mo bumalik ka nalang dito after mo ko ihatid, it's okay. Sige na please... Diba love mo ako? Sige na, ihatid mo na ako please"
"Naku nagpapapacute ka na naman, sige na sige na, magpapaalam lang ako sandali kina Pare."
Lumabas na kami ng gate at pumasok sa kotse. Kung marunong lang ako mag-drive edi umuwi na sana ako mag-isa. Loko talaga tong si Darren. Isang taon palang kaming mag-asawa at wala pang anak kaya mahilig pa rin kaming gumimik. Pero masama talaga pakiramdam ko ngayon kaya ako na nagyaya sa kanyang umuwi. Medyo malayo din kasi yung bahay namin mula dito e.
"Mag-ingat ka sa pagddrive e. Nakinom ka pa naman. Naku, kung marunong lang ako magdrive di kita pipilitin e. Lasing ka pa naman. "
"Sige na, eto na nga oh. bibilisan ko nalang para makaalik agad ako dun. Nabitin ako sa inuman e"
"Naku bahala ka nga, basta makauwi lang ako. Hmp"
Habang nagmamaneho napapansin kong napapapikit-pikit na si Darren. ANg loko, umiidlip habang nagddrive.
"Hoy Darren, balak mo ba tayong mamatay? Gumising ka nga dyan! Ano ba naman yan!"
"Sorry hon. "
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Sa isang iglap, biglang naglaho ang lahat. Nagising nalang ako sa ospial at nilapitan ng doktor.
Buti naman po gising na kayo, Im sorry to say this, but your wife and her baby didn't make it. They passed away an hour ago.
Anong nangyari? Hindi malinaw sakin ang lahat. Ang naalala ko lang, nakaidlip ulit ako sa sobrang kalasingan at naradaman ko nalang na parang may bumangga sa hrapan namin. Nawalan agad ako ng malay.
__________________________________________________________________________________________________
Dok, SPO1 Romero po ito, kamusta po yung mga sakay ng Porsche, may nakaligtas ba sa kanila?
Sorry to say this pero sa lakas ng impact ng car crash ay walang sinwerte sa knilang dalawa.
+To be continued next update.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento